Wala nga palang 'tayo'

By iamsupersam - 5/22/2018 11:43:00 AM

 
I. Dahil ikinubli ko sa mga salita
   at talata kahit masakit, pilit
   iginuhit malimutan mo
   lang mga huli kong sinambit.

   Wala nga palang 'tayo', kaya
   heto nasa pagitan ng mag
   umpisa muli at bitaw na
   sa dulo.

   Tugma man aking mga sanaysay,
   pandiwa at liriko, para saan pa
   ang ritmo kung umaasa sa wala
   ang puso?
           ―S.N
            

  • Share:

You Might Also Like

3 comments

  1. perfect for spoken poetry.....
    #tagos

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Miss Yccos!

      Thank you for dropping by!

      Sana nga nababasa nya 'tong post na 'to para tumagos sa kanya. :(

      Delete
  2. Maari mo bang sbhn ang pangalan ng iyong iniirog?

    ReplyDelete