Teka lang.

By iamsupersam - 5/24/2020 02:14:00 PM


    Sandali. Wait. Teka lang. May naisip lang ako bigla gawin dito sa blog. Pero teka, ito ang lagay ng kwarto ko sa mga oras na ito. Ang init! At lagi lang ako napapatingin sa bintana na yan tuwing nakaupo ako dito sa computer ko. Tulala sa kawalan.

    Ang bilis naman talaga ng panahon, ang dami nangyayari sa paligid. Ano ba dapat unahin? Parang lahat ng tao nasa kasagsagan ng mga kaguluhan (kahit naman na ECQ parin). For sure ang daming depressed sa panahon ngayon, sa tagal ba naman nakakulong sa kanilang mga bahay. Pero yung iba di naman talaga stay at home. Yung iba labas parin ng labas. Nako! Mukhang dadami pa Covid19 confirmed cases. (Huwag naman sana kasi nakakatakot diba?) 

    Kaya nga minsan kailangan din natin yung word na "Teka lang." huminto, mag-nilay, mag isip at huminto ulit. Di ko rin naman alam saan patungo itong sinusulat ko. Sabi ko nga, free-flow lang. Pero bakit di ko subukan yung word na "Teka lang."? Mag isip muna ako...

    Tingin tingin lang sa bintana hanggang magkaroon ng tamang sandali, wait, teka lang. Tatama din yan promise!

    

    

  • Share:

You Might Also Like

0 comments