Throwback.

By iamsupersam - 5/24/2020 07:39:00 PM

        Nakaka-inspire makakita ng mga "mobile photographers" sa instagram. Actually, ilan lang ang mga photos na ito na umagaw ng pansin ko. Sige, magiging honest ako. May naaalala lang ako sa mga larawan na ito. Ala-ala na kailanman di ko akalain na makakasakay ako ng "Bus" mag isa pauwi, literal na mag isa ako sa loob.(Hindi ako sanay mag commute mag-isa, takot ako.) Ang sarap lang balikan ng ala-ala na iyon kahit na meron parin konting kirot sa puso. Pero ika nga, itabi ang mga magagandang lesson na natutunan natin sa mga nakaraan.

    Throwback. Mga natutunan ko sa nakaraang ala-ala na iyon, na darating talaga yung araw na may mga tao tayong makikilala at handa natin gawin lahat ng mga bagay na kinatatakot natin para lang maipakita at maiparamdam na kaya pala natin harapin ang mga takot natin para sa kanila. Tulad ng photo ng Bus na ito. Hinding hindi ko malilimutan na sa maliit na bagay at simpleng pagharap ko sa kinatatakutan ko, hindi man naging sapat, pero napatanunayan ko sa sarili ko na kaya ko pala gawin ang bagay na iyon.
    Hindi ko alam kung kelan ulit ako sasakay mag-isa ng "Train" sa dulong istasyon. Hindi ko alam kung gagawin ko pa ulit iyon. Siguro? Para kumuha ng mga magagandang photos? Di natin alam. Nakakalungkot din kasi isipin na yung mga normal na ginagawa dati, mas mahirap na gawin lalo ngayon? Paano na ako? 

    Sana lang bumalik na sa dati ang lahat, pero bumabalik nga ba sa dati? Hindi. Sa tingin ko, mas nagiging marunong na tayo sa mga nakaraan. Sa istasyon na ito, ang baba ko. Pero muli, sa istasyon na ito ako muling sasakay pauwi, pabalik. Dahil mas pipiliin ko bumalik sa pinang galingan ko. Mas pipiliin ko matagpuan muli ang sarili ko.

    Lahat ng ito, throwback nalang. Konting pag-alala dahil sa mga natuklasan ko na mga photos na ito sa instagram. Iba talaga ang paalala ng mga larawan. Masakit, pero mas masaya dahil nalaman ko na tapos na pala at talagang ala-ala nalang lahat ng iyon. Sa tingin ko, balang araw, sasakay ako muli mag isa at sa pagbaba ko sa dulo ng panibagong istasyon, may handang sumalubong sa akin at sasamahan ako sa byahe ng buhay ko.


  • Share:

You Might Also Like

0 comments